MUST SEE: The comeback of Gabi ng Kababalaghan !
Noong dekada-90, naging tradisyon na ng maraming Pilipino ang magkumpulan sa harap ng telebisyon para panoorin ang mga kwentong ng kababalaghan sa "Magandang Gabi Bayan" ni Kabayang Noli de Castro.
Laman ng umpukan sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay ang mga kwento ng demonyo, tikbalang, white lady, dwende at multo na halaw sa tunay na buhay.
Ngayong taon, nagbabalik si Kabayan sa "Kababalaghan," mga kwento ng katatakutan na ipapalabas sa Linggo, Oktubre 30, ika-3:30 ng hapon pagkatapos ng "Banana Sundae" at muli sa gabi sa "Sunday's Best" pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice."
Minsan pang magpapatindig-balahibo ang mga kuwento ng lagim at misteryo sa "Kababalaghan." Ngayong Linggo na, 3:30 PM at sa Sunday's Best. pic.twitter.com/zfSu55Z4Yp
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) October 25, 2016
ConversionConversion EmoticonEmoticon